Home NATIONWIDE Ilang isinarang kalsada sa lindol sa Mindanao binuksan na

Ilang isinarang kalsada sa lindol sa Mindanao binuksan na

3
0

MANILA, Philippines – Binuksan na sa motorista ang karamihan sa mga nagsarang national road sections at mga tulay sa Mindanao matapos ang tuluy-tuloy na clearing operations at restoration works ng Department of Public Works ang Highways (DPWH).

Ito ay matapos yanigin ng magnitude 7.8 na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao noong June 8.

Tumulong din ang ahensya sa pagsasaayos at pagbubukas ng mga lokal na kalsada at pagsasagawa ng assessment at emergency repair works sa mga critical infrastructure tulad ng ospital, health facilities, at eskwelahan.

Katuwang din ang DPWH sa pag-alis ng mga debris sa mga pribadong establishments na nagdulot ng obstructions sa mga kalsada dahil sa lindol.

Karamihan sa mga critical na tulay at kalsada tulad ng Sapu Masla Bridge, Bucana Bridge, Lampari Bridge, at Brgy. Margus Road ay na-repair na at passable. Ilan gaya ng Butulan Bridge, Aquino Bridge, at General Santos–T’Boli–Surallah Road ay sarado pa pero may detour o ongoing repair.

Nagpapatuloy din ang assessment at repair sa mga ospital gaya ng Sarangani Provincial Hospital at Dr. Jorge Royeca City Hospital.

Wala ding humpay ang koordinasyon ng DPWH sa iba pang ahensya para sa 24/7 na paglilinis, pag-aayos, at paghahatid ng tulong sa mga apektadong lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here