Halos hindi na mapakinabangan ang isang kotse matapos madaganan ng isang dambuhalang bato mula sa mataas na bahagi ng bundok na gumulong at sumira sa isang bahay sa bahagi ng Camp 7, Kennon Road, Baguio City. REY VELASCO
MANILA, Philippines – Sarado sa mga motorista ang apat na national roads at ilang tulay sa Cordillera Administrative Region dahil sa hagupit ng pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon at tropical cyclone o bagyong Crising.
Mataas na pagbaha, pagguho ng lupa at naputol na kalsada ang dahilan ng pagsasara sa nasabing national roads.
Kabilang rito ang Apayao (Calanasan) -Ilocos Norte; Apayao-Ilocos Norte Rd.Detour Road, Annaran Bridge; Claveria-Calanasan-Flora-Lasam Rd; at Kennon Road.
Limitado naman ang access ng anim na national road sections kabilang rito ang tatlo sa NR; 2 sa Region III; at isa sa Region IV-B dahil sa pagbaha at precutionary measures.
Lahat ng iba pang national roads at tulay sa apektadong rehiyon ay passable sa lahat ng uri ng sasakyan sa ngayon. Jocelyn Tabangcura-Domenden