Home NATIONWIDE 3 nasagip sa tumaob na bangka sa El Nido

3 nasagip sa tumaob na bangka sa El Nido

306
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng search and rescue (SAR) operation ang Phiippine Coast Guard (PCG) sa tumaob na fishing banca (FBCA) sa bisinidad na baybayin ng Pasandigan Cove, El Nido, Palawan.

Iniulat ng isang concerned individual sa Coast Guard Station (CGS) Palawan nitong Sabado, Hulyo 20 na may nagka-aberyang fishing banca na may tatlong sakay na pasahero.

Agad namang ipinadala ng Coast Guard Station Northern Palawan ang kanilang Quick Response Team (QRT) sakay ng MB Excalibur 0109 upang magsagawa ng SAR operations.

Nasagip ang tatlong indibidwal na binigyang-diin ang kahandaan at kahusayan sa pagpapatakbo ng CGS Norrhern Palawan sa pagtugon sa maritime emergencies. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here