MANILA, Philippines – Nabawasan na ang mga stranded sa ibat-ibang pantalan sa bansa matapos manalasa ang bagyong Crising.
Sa pinakahuling maritime safety advisory ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot na lamang sa 37 ang apektadong pantalan na may 634 stranded na pasahero, at cargo helpers.
Hindi rin pinayagang bumiyahe ang 227 rolling cargos, 33 vessels at 4 na motorbancas.
Nananatili namang nakasilong sa ibang pantalan ang 45 pang vessels at 90 motorbancas dahil sa paghagupit ng bagyong Crising.
Sa monitoring ng PCG, kabilang sa mfa apektadong lugar ang National Capital-Region -Central Luzon, Palawan, Eastern Visayas, Bicol at Souhern Visayas. Jocelyn Tabangcura-Domenden