Home NATIONWIDE Abortionist kalaboso sa pagbebenta ng abortion pills

Abortionist kalaboso sa pagbebenta ng abortion pills

195
0

MANILA, Philippines – Kalaboso ang babaeng
‘abortionist’ nang maaresto sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos magbenta online ng ‘abortion pills’ sa nagpanggap na buyer sa Makati at Maynila.

Ayon sa NBI, ang suspek ay hindi lisensyado o awtorisado na magbenta ng medisina.

Isinagawa ang entrapment operation ng mga tauhan ng NBI Dangerous Drugs Division sa Maynila nang natuklasan ang kanyang online selling.

Ayon kay NBI -DDD Chief Jonathan Galicia, apat na klase ng abortion pills ang nakumpiska na tinawag ng NBI bilang “do-it-yourself” abortion kit with instructions dahil hindi na aniya kailangan pa ng medical supervision.

Ngunit ang Food and Drug Administration (FDA) aniya ay may inilabas na advisory laban sa paggamit ng nasabing mga gamot.

“This is not allowed for public. And there needs to be authority from the FDA before you can dispense this. Why? Because these drugs na Ito do it yourself. There’s an instruction on how to use the drug,” sabi ni Galicia.

Nahaharap sa reklamong paglabag sa Food and Drug Administration (FDA) law, Cybercrime Prevention Act, Pharmacy Law ang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here