Home NATIONWIDE Ilang kalsada sa Maynila isasara panibagong rally ng UPI

Ilang kalsada sa Maynila isasara panibagong rally ng UPI

2
0

MAYNILA – Naglabas ng abiso ang pamahalaang lungsod ng Maynila kaugnay ng pansamantalang pagsasara ng ilang pangunahing kalsada simula Sabado ng gabi, Hulyo 25 hanggang Linggo upang bigyang-daan ang gaganaping rally ng United People’s Initiative.

Ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau, ipatutupad ang road closure simula alas-6:00 ng gabi ng Sabado sa ilang pangunahing lansangan upang matiyak ang kaayusan ng daloy ng trapiko at seguridad sa lugar ng pagtitipon.

Kabilang sa mga pansamantalang isasara ang C.M. Recto Avenue mula Nicanor Reyes Street hanggang Mendiola Street, Legarda Street mula Figueras Street hanggang San Rafael Street, Magallanes Drive mula Jones Bridge hanggang MacArthur Bridge, Ayala Bridge, at ang eastbound ng Ayala Boulevard mula San Marcelino Street hanggang Romualdez Street.

Kasama rin sa ipapasarang mga kalsada ang southbound ng MacArthur Bridge mula Plaza Lacson hanggang Liwasang Bonifacio, southbound ng Quezon Boulevard mula A. Mendoza at Fugoso Streets hanggang Quezon Bridge at Liwasang Bonifacio, gayundin ang southbound ng Lerma Street mula España Boulevard at P. Campa Street hanggang A. Mendoza Street.

Pinayuhan ng pamahalaang lungsod ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe at gumamit ng mga alternatibong ruta upang maiwasan ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko habang ipinatutupad ang road closure. Maaari ring tingnan ng publiko ang mga inirekomendang alternatibong ruta sa opisyal na social media page at website ng Manila Public Information Office (MPIO). JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here