Home METRO Ilang kalsada sa Maynila isasara sa Undas

Ilang kalsada sa Maynila isasara sa Undas

120
0

MANILA, Philippines – Ilang kalsada sa paligid ng Manila North Cemetery ang pansamantalang isasara ng limang araw para sa Undas 2024.

Sa abiso ng Manila District Traffic Enforcement Unit, ang pagsasara ng ilang kalsada ay sisimulan alas-12:01 ng Oktubre 30 hanggang alas-7:00 ng gabi ng Nobyembre 3.

Ang mga isasarang kalsada ay ang bahagi n Aurora Blvd., Blumentritt Street, Retiro, Maceda at ang P. Guevarra.

Nagpatupad nanan ng traffic rerouting ang Manila District Traffic Enforcement Unit kung saan maaaring dumaan ang motorista sa bahagi ng Rizal Avenue, Cavite Street, Abad Santos Avenue kabilang ang Lacson Avenue.

Hindi rin maaaring magparada ng mga sasakyan sa mga isasarang kalsada maging sa gilid ng Manila North Cemetery o sa bahagi ng La Loma.

Idedeploy sa Undas ang halos 700 tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau para umalalay sa inaasahang pagsikip ng daloy ng trapiko at makakatuwang nila ang ilang mga force multipliers na mula sa kalapit na barangay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here