Home METRO Magkapatid tinaga ng kainuman

Magkapatid tinaga ng kainuman

114
0

MANILA, Philippines – Dalawang lalaki na magkapatid ang malubhang nasugatan makaraang pagtatagain ng kanilang kainuman nang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa kanilang kwentuhan habang nag-iinuman sa Brgy. Sampalok 2, Dasmarinas City, Cavite.

Kasalukuyang ginagamot sa Pagamutan ng Dasmarinas si Rolando Repia, 55 at Jonas Repia, 32, kapwa residente ng Sitio Malinta, ng nasabing lugar na nagtamo ng matinding sugat sa katawan.

Pinaghahanap naman ang suspek na si alyas Domingo, nasa hustong gulang at kapitbahay ng mga biktima.

Ayon sa report, bandang alas-7:00 kamakalawa ng gabi nang nagkayayaan ang tatlo na mag-inuman at habang nasa kasarapan ng pag-iinuman at masayang nagkikwentuhan ay humantong ito sa pagtatalo at nagkapikunan.

Napag-alam na nagsimula umano ang kanilang kuwentuhan sa sinapit ng kanilang pananim na sinalanta ng nagdaang bagyong Kristine pero nang nakarami na ang kanilang iniinom ay kung saan-saan napunta ang ang kanilang usapan hanggang sa humantong sa mainitang pagtatalo.

Napikon ang suspek nang pakiramdam nito ay tila pinagtutulungan siya ng magkapatid hanggang sa naglabas ng cleaver knife at pinagsasaksak ang dalawa.

Si Rolando ay sinaksak sa noo habang sa kanang pisngi naman tinamaan si Jonas.

Nagsasagawa naman ng dragnet operation sa suspek na tumakas matapos ang insidente bitbit ang itak na ginamit sa pananaga. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here