MANILA, Philippines – Nakaranas ng pagbaha sa ilang kalsada sa Metro Manila matapos ang malakas na buhos ng ulan nitong Sabado ng gabi, Hunyo 21, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa ulat, binaha ang mga lugar kabilang ang EDSA NB, matapos ang Quezon Ave. flyover, Quezon Ave. Biak na bato eastbound at WB; EDSA northbound, Balintawak; at G. Araneta Ave. Karilaya soutbound at northbound.
Ang ilan sa mga lugar na ito ay hindi nadaanan ng mga maliliit na sasakyan.
Samantala, binaha rin ang mga lugar sa Caloocan, Manila at Valenzuela katulad ng C3 NLEX Connector Intersection na umabot sa hanggang tuhod ang baha, España Lacson hanggang Vicente Cruz EB/WB; España Blvd corner Antipolo Street; M.H. del Pilar, Brgy. Tinajeros; (gutter deep); Gov. Pascual Avenue, Brgy Acacia; (gutter deep) at McArthur Highway malapit sa Fatima University.
Batay sa PAGASA, ang malakas na buhos ng ulan ay dahil sa thunderstorm. RNT/JGC