Home NATIONWIDE Tatlong weather system iiral sa bansa

Tatlong weather system iiral sa bansa

198
0

MANILA, Philippines – Iiral ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Mindanao habang Southwest Monsoon o Habagat naman ang makakaapekto sa kanlurang bahagi ng Luzon ngayong araw, Hunyo 22.

Ayon sa PAGASA, ang Zamboanga Peninsula, Caraga, Northern Mindanao, Davao Region, at Negros Island Region ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa ITCZ.

Ganito rin ang panahong mararanasan sa Palawan at Western Mindanao dahil naman sa Southwest Monsoon o Habagat.

Samantala, ang Eastern Visayas, Bicol Region, at Quezon ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa easterlies.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorm dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here