Home IN PHOTOS Pride Parade sa Las Piñas

Pride Parade sa Las Piñas

(c) Cesar Morales

Las Piñas City – Pinasimulan ng isang makulay at masiglang Pride Parade ang pagdiriwang ng Pride Month sa lungsod ng Las Piñas nitong Sabado, Hunyo 21.

Pinangunahan ito ng Villar Foundation at nilahukan ng iba’t ibang LGBTQA+ groups mula sa 20 barangay sa lungsod, bilang pagkilala at suporta sa karapatan, pagkakapantay-pantay, at dignidad ng LGBTQIA+ community.

(c) Cesar Morales

Nagtipon-tipon ang mga kalahok sa isang solidarity march na may bitbit na mga makukulay na bandila, placard, at kasuotan bilang simbolo ng pagmamalaki sa kanilang pagkatao at panawagan para sa pagtanggap at inklusibong lipunan. Cesar Morales