TACLOBAN CITY- Nagdulot ng pagbaha ang walang humpay na ulan dahil sa shear line sa ilang lugar sa mga lalawigan sa Samar, nagresulta sa suspensyon ng klase nitong Biyernes.
Naiulat ang pagbaha sa Matuguinao, Samar; Dolores at Jipapad sa Eastern Samar; at Catubig at Las Navas sa Northern Samar.
Wala namang naiulat na inilikas mula sa mga nasabing lugar.
Hinimok ng Office of Civil Defense sa Eastern Visayas ang mga residente sa mga binahang lugar na mag-ingat, at nagbabala na maaaring magdulot ang walang tigil na ulan ng pagbaha at landslides.
“The public and disaster risk reduction and management offices concerned are advised to take all necessary measures to protect life and property,” abiso ng ahensya. RNT/SA