Home METRO LTO chief ng Pikit, Cotabato dedo sa pamamaril

LTO chief ng Pikit, Cotabato dedo sa pamamaril

MANILA, Philippines- Patay sa pamamaril ang pinuno ng Land Transportation Office (LTO) sa Pikit, Cotabato, habang nasa loob ng sasakyan sa Barangay Inug-ug nitong Biyernes ng umaga.

Batay sa ulat, kinilala ang biktima na si Johnson Edil, siya ring political chairman ng Moro Islamic Liberation Front-Bangsamoro Islamic Armed Forces (MILF-BIAF).

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nasa loob ng sasakyan si Edil nang pagbabarilin ito ng salarin.

Agad binawian ng buhay ang biktima.

Gumugulong naman ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng salarin. RNT/SA