MANILA, Philippines- Nangako ang contractor ng bumagsak na aircraft sa Ampatuan, Maguindanao del Sur, na susuportahan ang mga pamilya ng apat na indibidwal na nasawi sa insidente.
Kinumpirma ng Metrea nitong Biyernes na isang US service member at tatlong defense contractors ang patay sa pagbagsak ng aircraft.
“It is with deep regret that we confirm there were no survivors. The families of our crew have been informed, and we are providing full support,” anang kompanya.
“Metrea has enacted its emergency response plan and is working closely with all relevant government authorities to establish the cause of the accident,” wika nito. “The safety and well-being of our employees and customers remain our top priority.”
Ang Beechcraft King Air aircraft, may registration number na N349CA, ay kinontrata ng US Department of Defense upang magbigay ng intelligence at surveillance support sa Pilipinas.
Base sa Civil Aviation Authority of the Philippines, nilisan ng aircraft ang Cebu at patungo sa Cotabato City para sa aerial survey nang bumulusok ito sa lupa. RNT/SA