Home NATIONWIDE Ilang OFWs papuntang M. East, stranded sa NAIA sa gitna ng US-Iran...

Ilang OFWs papuntang M. East, stranded sa NAIA sa gitna ng US-Iran tension

182
0

MANILA, Philippines – Ilang overseas Filipino workers (OFWs) na patungong Middle East ang na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos kanselahin ang kanilang mga flight dahil sa umiiral na tensyon sa rehiyon.

Kanselado ang ilang flight mula Clark International Airport patungong Dubai at Qatar.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), aabot sa 45 flight mula sa Pilipinas ang naapektuhan ng tensyon sa Middle East.

Pinakaapektado ang mga biyahe papunta at pabalik ng Dubai at Abu Dhabi sa United Arab Emirates, Riyadh sa Saudi Arabia, Bahrain, at Doha, Qatar.

Bahagyang nasira rin ang bahagi ng Dubai International Airport, na nagsisilbi sa mahigit 90 milyong pasahero kada taon, matapos ang aerial attack mula sa Iran, na nagdulot ng backlog sa mga flight at maaaring makaapekto sa iba pang destinasyon.

Nakikipag-ugnayan ang CAAP sa mga airline, paliparan, at international aviation partners.

“As we all know, some countries have temporarily closed their airspace. That’s why our flights can’t fly there. So, we are monitoring what their next move will be so we can align our own actions accordingly,” pahayag ni CAAP public information officer Bea Bernardo.

Pinayuhan ng CAAP ang mga pasahero na bantayan ang mga anunsyo ng kanilang airline para sa mga update. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here