Home METRO Ilang pamilihan sa Quiapo, sinuyod ng DTI, DA, Manila LGU

Ilang pamilihan sa Quiapo, sinuyod ng DTI, DA, Manila LGU

313
0

MANILA, Philippines – Nag-inspeksyon sa Quiapo, Maynila ang Department of Trade and Industry (DTI) para alamin ang kasalukuyang presyo ng pangunahing bilihin sa lugar.

Kinausap ni Trade Sec. Christina Roque kasama si DA Asec. Genevieve Guevarra at Manila City Admin Atty. Wardee Quinton XIV ang mga may-ari ng pwesto.

Sa presyo ng isda at karne, sinabi ni Roque na pasok sa kanilang price range pero nakitaan naman ng pagtaas ng ilang presyo ng gulay.

Isa na dito ang presyo ng kada kilo ng siling labuyo na umaabot na sa P500 ang kilo habang ang siling haba ay umaabot sa P280.

Ayon kay DTI Sec. Roque, normal na tumataas ang presyo ng ilang mga agricultural products kapag nagdaan ang bagyo o malalakas na pag-ulan.

Sinuyod din ni Roque ang kahabaan ng Villabos, Carriedo at ang Isettan supermarket.

Dito ay ikinatuwa ng kalihim ang mas mababang presyo ng mga pangunahing bilihin kunpara sa mga SRP ng DTI.

Sinabi ni Roque na babantayan ng DTI at DA katuwang ng Manila LGU ang presyuhan ng mga ibinebentang mga gulay upang hindi na ito tumaas pa at walang mananamantala. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here