Home METRO Tulak utas sa onsehan ng droga

Tulak utas sa onsehan ng droga

252
0

CEBU, Philippines – Patay ang isang tulak ng iligal na droga matapos barilin ng dalawang hindi pa kilalang suspek dahil umano sa onsehan ng shabu, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang nasawi na si Alfredo Cuervo Bernales, 56, residente ng Sitio Panagdait, Barangay Ermita, ng nasabing lungsod.

Ayon kay Police Major Eric Gingoyon, hepe ng Mabolo Police Station, naganap ang krimen dakong ala-5:45 ng madaling araw ng Linggo, Agusto 10, 2025 sa Sitio Ponce 1, Barangay Carreta, Cebu.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, base sa kuha sa CCTV makikita na mga suspek na kausap ang babae at tinanong kung saan nakatira ang biktima.

Ilang minuto ang makalipas bigla na lamang silang nakarinig ng mga putok ng baril at nakitang duguan at nakabulagta sa kalsada ang biktima.

Mabilis naman tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Isinugod naman ng mga rumespondeng pulis ang biktima sa ospital subalit kalaunan ay nalagutan din ito ng hininga sanhi ng tama ng bala ng baril sa ulo.

Sa pahayag ng barangay, maraming rekord ang suspek na kinalaman sa pagbebenta ng iligal na droga at nakulong na rin ito sa kaparehong kaso taong 2023.

Patuloy naman ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya para sa pagkakakilanlan sa mga suspek at agaran pagdakip ng mga ito. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here