Home METRO Ilang pasahero stranded, suplay ng kuryente naantala sa hagupit ni TD Aghon

Ilang pasahero stranded, suplay ng kuryente naantala sa hagupit ni TD Aghon

MANILA, Philippines- Nagdulot ng magdamag na pag-ulan si Tropical Depression Aghon sa iba’t ibang lugar sa Eastern Samar at iniulat ng mga awtoridad na ilang pasahero ang stranded habang nawalan naman ng kuryente sa ibang lugar.

“As of last night, we have around 600 individuals [who were stranded] in ports of Eastern Visayas, and a small number of rolling cargoes [which were also stranded],” pahayag ni Office of Civil Defense – Region 8 Director Lord Byron Torrecarion sa panayam nitong Sabado.

Ayon pa kay Torrecarion, sinuspinde ang sea travel patungong Region 8 nitong Biyernes ng gabi.

“As of last night, we issued ‘yung stop ng sea travel going into Region 8… This is to prevent ‘yung build-up ng mga stranded passenger especially those coming from Mindanao,” anang opisyal.

Nagpatupad na ang ilang munisipalidad sa Southern Leyte, Eastern Samar, at Western Samar ng preventive evacuation ng mga residente sa flood-prone at landslide-prone areas, base kay Torrecarion.

“As of last night also, nag-issue na rin ng preventive evacuation yung some municipalities in Southern Leyte as well as those in Eastern Samar and then Western Samar,” wika niya.

“Dito sa Tacloban, it’s a bit cloudy to me and hindi ganun kalakas ‘yung ulan but we deployed our comms team in coordination with the PDRRM of Eastern Samar. Yesterday afternoon they were reporting na heavy rains po doon,” paglalahad pa niya.

“So far we haven’t received reports of flooding yet but we are monitoring.”

Samantala, nakaranas ang pinakagitnang lugar sa Eastern Samar ng power outage, base kay Engr. Thomas Campomanes, pinuno ng Eastern Samar PDRRMO, sa hiwalay na panayam.

“‘Yung walang kuryente ay sa centermost mismo ng Eastern Samar…  ‘Yung mga nasa north at south, mayroon silang kuryente. Ayon sa electric cooperative namin, mga 10 am, mare-restore na ang kuryente,” pahayag ng opisyal. RNT/SA