Home NATIONWIDE Signal No. 1 pinairal sa 17 lugar sa pagtama ni ‘Aghon’

Signal No. 1 pinairal sa 17 lugar sa pagtama ni ‘Aghon’

MANILA, Philippines- Itinaas ng weather bureau PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa 17 lugar nitong Sabado ng umaga sa patuloy na pagkilos ni Tropical Depression Aghon sa northwestward direction at sa Samar Sea.

Ikinasa ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod na lugar hanggang alas-8 ng umaga nitong Sabado:

  • Aurora;

  • Polillo Islands;

  • northern at southeastern portion ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Lopez, Buenavista, Catanauan, Mulanay, San Narciso, San Francisco, San Andres, Tagkawayan, Gumaca, Quezon, Alabat, Perez, Plaridel, Pitogo, Macalelon, General Luna, Atimonan, Unisan, Mauban, Real, Infanta, General Nakar, Padre Burgos, Agdangan);

  • eastern portion ng Romblon (Cajidiocan, Magdiwang, San Fernando, Romblon);

  • eastern portion ng Marinduque (Santa Cruz, Torrijos);

  • Camarines Norte;

  • Camarines Sur;

  • Catanduanes;

  • Albay;

  • Sorsogon;

  • Masbate kasama ang Burias at Ticao Islands;

  • Northern Samar;

  • Samar;

  • Eastern Samar;

  • Biliran;

  • northern portion ng Leyte (Tunga, Pastrana, San Miguel, Matag-Ob, Tolosa, Palo, Calubian, Leyte, Mayorga, Julita, Carigara, Babatngon, Dagami, Jaro, San Isidro, Santa Fe, Albuera, Villaba, La Paz, Palompon, Tabontabon, Tanauan, Merida, Ormoc City, Isabel, Dulag, Capoocan, Alangalang, Burauen, Tabango, Tacloban City, Kananga, Barugo); at

  • extreme northern portion ng Cebu (San Remigio, Tabogon, City of Bogo, Medellin, Daanbantayan, Borbon) including Camotes at Bantayan Islands

Inaasahan sa mga nasabing lugar ang malakas na hangin na may bilis na 39 hanggang 61 km/h sa 36 oras, na may “minimal to minor threat to life and property,” ayon sa PAGASA.

Kaninang alas-7 ng umaga, ang sentro ni Aghon ay inaasahang nasa coastal waters ng Calbayog City, Samar.

Mayroon itong maximum sustained winds na 55 km/h malapit sa sentro, gustiness hanggang 85 km/h, at central pressure na 1004 hPa.

Kumikilos si Aghon sa northwestward direction sa bilis na 30 km/h, na may malakas na hangin na aabot ng 140 km mula sa sentro nito.

Base sa PAGASA, inaasahan sa Bicol Region, Northern Samar, at sa northern portion ng Samar ang 100-200 mm ng ulan ngayong Sabado.

Nagbabadya naman sa southern portion ng Quezon, Polillo Islands, Marinduque, eastern portion ng Romblon, natitirang bahagi ng Samar, Eastern Samar, Biliran, at sa northern portions ng Western Visayas, Leyte, at Cebu an 50-100 mm ng ulan ngayong araw.

Sa Linggo, posibleng umabot sa 100 hanggang 200 mm ng ulan ang maranasan sa Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes.

Tinatayang 50 hanggang 100 mm ng ulan naman ang inaasahan sa Quezon, Aurora, at sa natitirang bahagi ng Bicol Region.

“Forecast rainfall are generally higher in elevated or mountainous areas. Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are possible especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazards as identified in hazard maps and in localities that experienced considerable amounts of rainfall for the past several days,” ayon sa PAGASA.

Gayundin, nag-abiso ang PAGASA na ang coastal waters sa seaboards ng Bicol Region, southern seaboard ng Quezon, eastern seaboard ng Eastern Visayas, western seaboard ng Samar at Northern Samar, at eastern seaboard ng Caraga Region ay magiging moderate to rough.

“Mariners of motor bancas and similarly-sized vessels are advised to take precautionary measures while venturing out to sea and, if possible, avoid navigating in these conditions, especially if inexperienced or operating ill-equipped vessels,” anito.

Posible inumanong mag-landfall muli si Aghon sa bisinidad ng Polillo Islands sa Linggo ng umaga.

“During this period, AGHON may reach tropical storm category,” ayon sa PAGASA.

“As it moves over the Philippine Sea, the tropical cyclone is forecast to continuously intensify and may reach typhoon category on Tuesday. On the track forecast, AGHON may exit the PAR region no earlier than Tuesday,” dagdag nito. RNT/SA