Home NATIONWIDE Ilang Pinoy sa US nagbabadyang ma-deport sa ilalim ng Trump admin –...

Ilang Pinoy sa US nagbabadyang ma-deport sa ilalim ng Trump admin – Ambassador Romualdez

MANILA, Philippines- Hindi pa mabilang na Pilipino ang nakaumang na i-deport pabalik ng Pilipinas bunsod ng pagsisimula ng massive campaign ng Trump administration laban sa mga ilegal na dayuhan sa Estados Unidos.

Kinumpirma ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na “a number of Filipinos” – mga bagong dating sa Estados Unidos– naipaalam na sa mga ito na sila’y nakatakdang i-deport.

Sinabi ni Romualdez, ang mga ito ang deportees sa ilalim ng second Trump administration, nangako ng massive arrests at deportasyon ng illegal immigrants.

Aniya pa rin, walang impormasyon ukol sa bilang, kasalukuyang estado o petsa ng deportasyon subalit karamihan sa mga ito ay mula sa California, New York, at New Jersey.

“I don’t know what status it is right now, but I keep on saying the same thing – if there is no legal path, my suggestion is voluntary departure,” aniya pa rin.

“If they have a legal path, then they should find an immigration lawyer or somebody that can help them file a case because they have rights for their case to be heard,” ang sinabi ni Romualdez, tinukoy ang mga nagpunta sa Estados Unidos na may work visa na paso’ na.

Nauna nang inanunsyo ng US Department of Homeland Security ang isang nationwide ad campaign na nagbibigay babala sa mga illegal aliens na umalis na ngayon ng Estados Unidos o harapin ang deportasyon nang wala ng kakayahan na makabalik pa.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kaugnay na ahensya ng pamahalaan na magbigay ng suporta sa mga posibleng deportees. Kris Jose