MANILA, Philippines- Inihayag ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na umabot sa 124 dayuhan ang hinarang ng kanilang mga tauhan sa iba’t ibang port of entry ng bansa noong nakaraang taon dahil sa pagiging bastos at walang galang sa mga opisyal ng imigrasyon.
Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na mas mataas nang bahagya ang bilang ng mga bastos na pasahero noong 2023 kumpara sa 64 na dayuhan na tinanggihang makapasok noong 2023.
Sinabi ni Viado na bukod sa ibinalik sa kanilang pinanggalingan, ang mga walang galang na pasahero ay na-blacklist at pinagbawalan na muling pumasok sa bansa dahil sa pagiging undesirable alien.
“We again warn foreigners intending to visit the Philippines that they should refrain from being disrespectful when dealing with our officers as such behavior is an affront to persons in authority,” giit ni Viado.
Ayon sa mga ulat, ang ilan sa mga pasahero ay lasing at masungit habang ang iba naman ay mayabang na sinigawan, nilait at ininsulto ang mga Pilipino at gobyerno ng bansa.
“Foreign visitors are expected to respect our laws and policies,” ani Viado. “Disrespect towards our officers and refusal to comply with entry procedures will not be tolerated,” dagdag pa ng opisyal. JR Reyes