Home NATIONWIDE Tol, isusulong amyenda sa batas na magpoprotekta sa municipal fishers

Tol, isusulong amyenda sa batas na magpoprotekta sa municipal fishers

Dumaguete City Traffic Lights Program- Inihayag ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang kanyang traffic signalization project sa Dumaguete City na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng trapiko sa lungsod.

Bacolod City — Nangako si reelectionist Senator Francis ‘TOL’ Tolentino na isusulong ang mga amendment sa Philippine Fisheries Code (RA 8550) para maibalik ang proteksyon sa mga marginal fisherfolk, kabilang na ang blue crab producers ng Negros Occidental.

Ginawa ni Tolentino ang pahayag bilang tugon sa tanong ng media tungkol sa mga implikasyon ng kamakailang desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklarang unconstitutional ang preferential access sa municipal fishers sa loob ng 15-kilometer municipal water zone sa ilalim ng Fisheries Code.

“So, alam ko po ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) filed a motion for reconsideration, at hinihintay lang natin yung desisyon ng Supreme Court nang sa ganun ay maalis na ulit yung malalaking vessels,” sabi ni Tolentino.

“Ngunit hindi nito pinipigilan ang Kongreso, kabilang ang Senado, na magpatibay ng isang batas na malinaw na nagsasaad na ito ay municipal waters, at hindi na makapasok ang malalaking trawler at commercial vessels,” iginiit ng senador, pinuno ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones.

 “Hintayin natin ang SC ruling.  Kung mababago namin yung batas, makatutulong tayo doon sa blue crab producers ng EB Magalona,” dagdag ng senador.

 Binanggit ang datos mula sa BFAR at Metro Bacolod Chamber of Commerce and Industry (MBCCI), sinasabi sa mga ulat na ang desisyon ng SC ay magkakaroon ng mapaminsalang epekto sa produksyon ng blue crab sa kahabaan ng Guimaras Strait at Visayan Sea, kung saan 55% hanggang 65% ay mula sa Negros Occidental. RNT