Home HOME BANNER STORY Ilang traders na nananamantala sa mga magsasaka iniimbestigahan ng DA

Ilang traders na nananamantala sa mga magsasaka iniimbestigahan ng DA

MANILA, Philippines- Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. nitong Lunes na iniimbestigahan na ang traders sa nasa 32 lugar sa Luzon matapos umanong bumili ng bigas sa local farmers sa napakababang presyo.

Sa Palace press briefing, tinanong si Tiu Laurel kung mayroong reklamo sa traders na nananamantala umano sa local farmers.

”Well, mayroon na kaming listahan of areas na identified na talagang mababa ang bili masyado ng traders sa mga farmers. We have 32 locations sa Luzon na nakikita, at iniimbestigahan na ng opisina ng DA kung sino iyong mga traders na bumili na iyon because we have to identify them,” pahayag ni Tiu Laurel.

”Basically, may imbestigasyon na nangyayari ngayon,” dagdag niya.

Subalit, hindi tinukoy ng opisyal kung ano-anong mga lugar ito.

”Well, technically, wala as of the moment. Pero siyempre, naghahanap kami ng paraan na legally—baka maglabas kami ng policy in the future, pero pinag-aaralan pa ho ito ‘no. But the idea is, set a floor price,” tugon ng opisyal nang tanungin kung kakasuhan ang traders.

”Sa ibang bansa, mayroong mga ganoong patakaran ‘no, like India and other countries,’ patuloy ni’ Tiu Laurel. RNT/SA