Home NATIONWIDE Kabataan sa suspensyon ng proklamasyon ng 2 party-lists: ‘Deserve’

Kabataan sa suspensyon ng proklamasyon ng 2 party-lists: ‘Deserve’

MANILA, Philippines- Umaasa ang reelected Kabataan Partylist na makakukuha ng pwesto ang Gabriela Women’s Party, kapwa miyembro ng Makabayan Bloc sa House of Representatives, sa 20th Congress kasunod ng suspensyon ng proklamasyon ng dalawang partylist groups.

Inihayag ito ni congresswoman-elect Renee Co, first nominee ng  Kabataan, sa pag-welcome niya sa pagsuspinde sa proklamasyon ng Duterte Youth partylist.

“Deserve,” wika ni Co nang kunan ng reaksyon ukol sa Duterte Youth party-list.

“‘Yung suspension ng Duterte Youth is the first step doon sa matagal nang clamor ng youth sector para sa kanilang disqualification,” dagdag niya.

“So far, it’s been ACT Teachers and Kabataan, but because of these developments, we’re looking forward to Gabriela Women’s Party sharing the space in the 20th Congress with us. Pero patuloy ang laban sa loob at labas ng Kongreso,” patuloy ni Co.

Ang Gabriela ay nasa ika-55 pwesto sa party-list race sa Eleksyon 2025 kasunod ng Philreca.

Sakaling madiskwalipika ang Duterte Youth at Bagong Henerasyon, magkakaroon ng apat na pwesto na magiging available para sa party-list na sumunod sa Philreca. RNT/SA