Home NATIONWIDE Illegal devices sa POGO facilities posibleng ipinupuslit ng mga ex-POGO worker

Illegal devices sa POGO facilities posibleng ipinupuslit ng mga ex-POGO worker

Image Representation Only

MANILA, Philippines – Posibleng kinukuha pa ng ilang dating maggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang mga illegal na kagamitan mula sa pasilidad kasunod ng ban, sinabi ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) nitong Martes, Abril 1.

“Based on the operation and investigation conducted, there is a possibility that some former workers of POGOs retrieved devices from their facilities after the ban,” pahayag ni ACG spokesperson Police Lieutenant Wallen Mae Arancillo sa panayam ng GMA.

Ito ay kasunod ng operasyon sa Maynila noong Marso 27 kung saan naaresto ang suspek na si “Popoy” at sinabi nito sa mga pulis na nabili niya ang text blaster device mula sa isang dating security guard ng POGO hub.

Naglunsad ng entrapment operation laban kay Popoy ang mga awtoridad matapos na makita ang Facebook post nito na nagbebenta umano ng hindi awtorisadong kagamitan sa halagang P10,000.

Nakumpiska mula sa suspek ang text blaster machine at SIM box.

“According to the suspect, nabili niya ang device sa isang security guard na dating nagtatrabaho sa POGO ng P5,000. Hindi niya alam kung paano i-operate ang device kaya nakatago lang. Ibinenta niya sa halagang P10,000 kasi birthday po niya at need niya ng pera,” ani Wallen. RNT/JGC