Home NATIONWIDE P15M pekeng body products nasamsam ng NBI

P15M pekeng body products nasamsam ng NBI

MANILA, Philippines – Kinumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga pekeng body products na nagkakahalaga ng P15 milyon sa San Nicolas, Manila.

Sinabi ng NBI na tatlong search warrant ang kanilang isinilbi noong Marso 24 kung saan nakumpiska ng mga awtoridad ang 18,889 na ibat-ibang pekeng produkto.

Ito ay matapos maghain ng reklamo laban sa tatlong online shops at dalawang indibidwal sa pag-iimbak, pagbebenta at pamamahagi ng pekeng produkto na may tatak ng tatlong trademarks.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Intellectual Property Intellectual Property Code of the Philippines ang mga sangkot dito.

Kabilang sa mga nakumpiskang produkto ay mga lotion, sunblock, facial cream, cologne, facial cleanser at liquid soap.

Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang ibat-ibang business documents, resibo, at parcel at bukod sa iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden