MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pagsiklab ng grassfire sa southwest portion ng Taal Volcano Island nitong Martes, Abril 1.
Sa abiso, unang naitala ang sunog 11:24 ng umaga at direktang naapektuhan ang Taal Volcano Binintiang Munti (VTBM) Observation Station.
Iniulat ang kaparehong mga insidente noong Marso 3, 2023, at Mayo 2, 2024.
“PHIVOLCS is closely monitoring the situation and coordinating with the Disaster Risk Reduction and Management Councils of Batangas Province,” sinabi ng ahensya.
Kasalukuyang nananatili sa Alert Level 1 ang babala sa Bulkang Taal. RNT/JGC