MANILA, Philippines – Ipinadala na ang unang batch ng Philippine contingent sa Myanmar upang magbigay ng tulong kasunod ng isang magnitude 7.7 na lindol.
Sinabi ni Health secretary Ted Herbosa, mula sa 91 Filipino volunteers — 32 ang mula sa DOH Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT), na sertipikado ng World Health Organization (WHO).
Ang PEMAT ng batch na ito, na nagmula sa Eastern Visayas Medical Center, ay binubuo ng mga doktor, nars, medical technologist, pharmacist, midwives, nursing attendants, at administrative, logistics, at technical staff.
Bukod sa medical team, ang Philippine contingent para sa Myanmar mission ay binubuo rin ng urban search and rescue teams mula sa Philippine Army, Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection, Metropolitan Manila Development Authority, Department of Environment and Natural Resources, at pribadong sektor (EDC at APEX Mining).
Umabot na sa 2,065 ang bilang ng mga namatay sa Myanmar kasunod ng magnitude 7.7 na lindol noong Marso 28, ayon sa state media.
Mahigit 3,900 ang nasugatan at hindi bababa sa 270 ang nawawala.
May apat na Pinoy rin umanong iniulat na accounted. Jocelyn Tabangcura-Domenden