Home HOME BANNER STORY 34 insidente ng vote-buying, abuse of state resources naitala ng Comelec

34 insidente ng vote-buying, abuse of state resources naitala ng Comelec

MANILA, Philippines – Nakatanggap ang Commission on Elections (Comelec) ng 34 ulat ng vote-buying, vote-selling at abuse of state resources (ASR) sa paparating na halalan.

Sa nasabing bilang, 23 ang may kaugnayan sa
vote-buying at vote-selling, habang 11 ang ASR.

Ayon kay Commissioner Ernesto Maceda Jr., chairperson ng Committee on “Kontra Bigay,” ang mga reklamo ay inihain sa Comelec main office sa Intramuros, Manila.

“As of this morning, we received 34 complaints dito sa main office. 23 are on vote-buying and vote-selling and 11 referencing ASR,” ani Maceda Jr.

“Bago pa man nag-umpisa ang election period mayroon nang mga nagreklamo nito,” dagdag niya.

Matatandaang nakatanggap ang Comelec ng kabuuang 1,226 vote-buying reports noong 2022 presidential elections.

Samantala, 375 sa kaparehong kaso ay iniulat sa Comelec sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ani Maceda Jr., noong 2023 BSKE, karamihan sa mga reklamo ay mula sa National Capital Region (NCR).

Ito ang dahilan kung kaya’t tinutukan ng Comelec ang NCR sa mga insidente ng vote-buying sa paparating na halalan.

“Let’s just use the BSKE. Ang NCR ang sentro ng vote-buying. I don’t know if there are more vote-buying incidents hapening here or that the citizens are more aware of rights at mas masumbong,” ayon kay Maceda Jr.

Kabilang din sa mga lugar na may matas na vote-buying at vote-selling incidences ay ang Region IV-A, Palawan, Abra, at Camarines Sur.

“Maaring sa 2025, dito pa rin sa NCR ang pinakamarami,” dagdag pa ni Maceda Jr.

Noong Pebrero, sinabi ng Comelec na magpapatupad ito ng mas mahigpit na panuntunan para labanan ang vote-buying, vote-selling at ASR para sa May elections. RNT/JGC