MANILA, Philippines – Hinamon ng mga miyembro ng Makabayan Coalition ng Kamara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyang daan ang pagkakaroon ng isang batas kontra sa political dynasties.
“’Yung political dynasty, anti-political dynasty, gusto natin ‘yan. Sa Makabayan, ‘yan talaga ang gusto nating mangyari, magkaroon talaga ng batas. In fact, hinahamon natin ang Presidente ngayon na talagang ipasa, magpasa ng ganitong batas na kinakailangan ng ating mamamayan,” pahayag ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas.
“Unethical talaga na may concentration of power sa iilang pamilya lamang, may concentration of wealth sa iilang pamilya lamang over the years. So may problema talaga tayo doon at kailangan i-resolve ito,” dagdag pa niya.
Nasa dalawang panukala laban sa political dynasty ang inihin sa kasalukuyang 19th Congress.
Ang House Bill 1157 ay iniakda ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Danniel Manuel na nagbabawal sa kandidatura ng asawa o sinuman “related within the second degree of consanguinity or affinity, whether legitimate or illegitimate, full or half blood, to an incumbent elective official seeking re-election.”
Sinasabi rin sa panukala na sa oras na ang incumbent elective official ay nakaupo sa pambansang posisyon, ang kanyang kaanak ay “shall be disqualified from running only within the same province where the former is a registered voter.”
Ipinagbabawal din nito ang mga kaanak sa
second degree of consanguinity and affinity, maging ang kanilang mga asawa, sa pagtakbo sa kaparehong probinsya sa kaparehong halalan.
Dagdag pa, ipinagbabawal rin ng panukala ang kaanak ng incumbent sa second degree of consanguinity or affinity sa pagsunod sa yapak ng incumbent.
“Long overdue na task ng Kongreso na isabatas ‘yan. Ngayong 19th Congress, nag-file tayo ng Anti Political Dynasty Bill precisely para sa purpose na ‘yan. Pero syempre, dahil sa pag-dominate ng mga political dynasty sa legislative branch natin, kaya hindi talaga ‘yan sumusulong,” ani Manuel.
Noong Hulyo 2014, inihain din ni Senador Robin Padilla ang Senate Bill 2730 na humihikayat sa pagkakaroon ng batas na magpapatupad sa anti-dynasty provision ng Konstitusyon.
Ipinanawagan niya na “stop the monopoly of political power” remain unyielding and stressed that it is time to “break the barriers preventing the best and the brightest from serving the Filipino people.”
“Kung gugustuhin po ng Comelec, pwede nilang gawin eh. ‘Yung definition po ng political dynasty na nasa SK Reform Act. Kasi sabi po doon, bawal hanggang second degree ‘yung pwedeng maupo sa puwesto. So kapag ganoon, meron nang definition na nasa isang batas din naman,” sinabi pa ni Manuel.
“So hamon ko po sa mga political dynasties na first degree, show the way. Huwag na po kayong tumuloy sa inyong kandidatura para masimulan na natin talaga. Bago tayo tumungo sa second and third degree, sige, first degree, ngayon po.”
Wala pang tugon ang Malakanyang kaugnay nito. RNT/JGC