Home HOME BANNER STORY Danger level heat index ibinabala sa 3 lugar sa Luzon

Danger level heat index ibinabala sa 3 lugar sa Luzon

MANILA, Philippines – Asahan ang mapanganib na lebel ng heat index sa tatlong lugar sa Luzon ngayong Miyerkules, Abril 2.

Ang temperatura sa pagitan ng 42°C at 51°C ay nasa “danger” category, at may banta ng
heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Posibleng umabot ng 43 degrees Celsius na heat index sa Dagupan City, habang 42 degrees Celsius ang inaasahang heat index sa Iba, Zambales at Virac, Catanduanes.

Samantala, sa Metro Manila naman, partikular sa NAIA Pasay City ay magkakaroon ng heat index na 40°C, habang sa Science Garden Quezon City naman ay 36°C.

Ang heat index na mula 33°C hanggang 41°C ay nasa “extreme caution” category, kung saan posible rin ang heat cramps at heat exhaustion, habang ang patuloy na aktibidad ay maaaring magdulot ng heat stroke. RNT/JGC