Home METRO Illegal fishpens na pagmamay-ari ng mga Chinese sinalakay ng NBI

Illegal fishpens na pagmamay-ari ng mga Chinese sinalakay ng NBI

0
Illegal fishpens na pagmamay-ari ng mga Chinese sinalakay ng NBI

MANILA, Philippines- Tinitingnan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang implikasyon sa pambansang seguridad ng mga ilegal na fishpen na pag-aari ng Chinese sa Pangasinan na sinalakay kamakailan.

Halos 500 illegal fish cage ang nadiskubre sa bayan ng Sual 200 metro lamang ang layo mula sa Sual Power Plant.

Kung hindi umano masusuri ay ay maaari umanong makagambala ang mga tumatakas na isda mula sa fishpen sa suplay ng kuryente ng planta at magdulot ng blackout sa buong Luzon.

“Mushrooming of bangus… ‘Yung mga nakatakas sa fishpen, it will affect the cooling off system ng power plant. The operation of the power plant will be disrupted, affecting Luzon-wide power distribution, magkakaroon ng blackout. Actually, mayroon na ngang nangyaring ganito way back 2013,” pahayag ni NBI Cybercrime Division (CCD) and Special Task Force (STF) chief Attorney Jeremy Lotoc.

Katunayan umano ay may ganitong nangyari na noong 2013.

Sinabi naman ni NBI spokesperson Regional Director Ferdinand Lavin may posibleng implikasyon ito sa national security dahil maaaring magambala o masabotahe ang pangunahing power source.

Sa pagsalakay sa mga illegal fishpen, nasagip ng NBI ang 10 trafficking victims na empleyado sa establisimyento, siyam sa kanila ay minors na may dalawang buntis na posibleng ginahasa.

Ayon sa mga biktima, inatasan nila na patuloy na pakainin ang mga isda at binabayaran lamang sila ng P150 kada araw ngunit sila ay inatasang magbuhat ng 50 sako ng feeds araw-araw at kailangang 11 oras kada araw ang trabaho.

Dagdag pa ng NBI, ang mga biktima ay nagagawang matulog sa maliit at maruming silid na sinabihan pang gumamit ng pekeng IDs upang magmukhang mas matanda.

Dalawang Chinese citizens ang naaresto sa operasyon at nahaharap sa Trafficking in Persons at paglabag sa Child Labor Law. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here