Home OPINION ILLEGAL VENDING, ILLEGAL PARKING SA GILID NG PCP SA DIVI

ILLEGAL VENDING, ILLEGAL PARKING SA GILID NG PCP SA DIVI

ASTIG kung tawagin ng mga lehitimong manininda sa area ng Divisoria ang isang alyas “Tata Sakote” dahil kaya raw nitong basbasan ang mga illegal vendor na gustong makapwesto kahit sa harapan ng Police Community Precinct.

May direktiba si Manila Police District director P/BGen Arnold Thomas Ibay sa mga station commander na nakasasakop ng Divisoria para sa regular clearing operation upang hindi magsikip ang daloy ng trapiko sa C.M. Recto particular sa Asuncion PCP kung kaya hindi agad ako naniwala.

Katunayan, special mention ni Ibay ang Asuncion PCP nang iutos kay Moriones Police Station commander P/LtCol Gilbert Cruz ang regular na clearing operation dahil sa sumbong na kinukunsinti ng hepe ng PCP ang illegal vendors na sanhi nang naiipon na mga sasakyang umiikot sa sa tapat ng PCP sa dulo ng C.M. Recto.

Pebrero 7, bago ang Chinese New Year, nang ilabas ni Ibay ang direktiba kaya naman biglang lumuwag ang daloy ng trapiko at nawalis ang illegal vendors sa tapat ng Asuncion PCP.

Saksi si Konsehal Marjun Isidro ng District 1 sa napakasikip ng daloy ng trapiko sa lugar at nang tanungin niya ang isang pulis na nakatalaga sa nasabing PCP ay sinagot siya na “ganoon talaga sa lugar araw-araw’ na ikinainis nang hindi nagpakilalang lingkod bayan.

Bukod sa illegal vendors, may mga pumaparadang sasakyan at nagdidiskarga ng paninda sa harap mismo ng Asuncion PCP bukod pa sa mga nakabalagbag na traysikel na ginawa na ring terminal ang harap ng nasabing PCP na sakop ng istasyon ni Cruz.

Teka lang, sabi ng mga nagrereklamong lehitimong manininda, kung nagbabagsak lang ng produkto ang nakaparadang trak sa gilid ng PCP, bakit daw may mga nakalatag silang illegal vendors sa tabi ng trak at maging sa katabing kanto?

Ayon pa sa reklamo, isang alyas “Astig” naman ang padrino ng mga pumaparadang trak at naglalatag na vendors. Ano kaya ang kaugnayan nitong si alyas Astig sa hepe ng Asuncion PCP na si P/Maj Joseph Gimenez?

Si Gimenez ang tiyak na puputukan kapag nakarating kina Ibay at Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang reklamo sa illegal vendors at masikip na daloy ng trapiko.

Dahil kaya ito sa panghihinayang sa P3,500 bawat araw na lagay ng may-ari ng mga produktong inilalatag sa gilid ng PCP?

Ops, trabaho lang ito, walang personalan.

Previous articleMALABON BEST HOUSING PRACTICES HAILED IN 2 AUSTRALIAN SUMMITS
Next articleANG ‘IDOL’ PROGRAM NI PRO3 DIRECTOR HIDALGO