MANILA, Philippines – Kinuwestyon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pamamaraan ng Ombudsman sa imbestigasyon kaugnay sa pag-aresto at paglilipat kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International criminal Court sa The Hague.
Sinabi ng kalihim na hindi malinaw ang hakbang ngayon ng Ombudsman dahil nawala na ang pagbuo ng fact-finding na nagsasagawa ng initial investigation at may inilalatag na rules sa imbestigasyon.
Gayunman, tiniyak pa rin ni Remulla na handa diyang maghain ng counter-affidavit para sagutin ang paratang sa kanila.
Magugunita na inirekomenda ni Senador Imee Marcos na imbestigahan ng Ombudsman ang mga opisyal ng pamahalaan sa posibleng paglabag sa graft, grave misconduct, usurpation of judicial functions,at arbitrary detention dahil sa pag-aresto kay Duterte.
Nanindigan si Remulla na walang nilabag na batas ang mga opisyal ng pamahalaan sa pag-aresto at pagdala sa dating pangulo sa International Criminal Court.
Tiniyak ng kalihim na sasagutin nito ang bawat isyu at igigiit na naaayon sa batas ang kanilang ginawa.
Kinuwestyon rin ni Remulla ang timing ng inihin na reklamo sa Ombudsman. TERESA TAVARES