Home HOME BANNER STORY Imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero walang pinatutungkulang personalidad – DOJ

Imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero walang pinatutungkulang personalidad – DOJ

240
0

MANILA, Philippines – Hindi “personality-driven” o walang pinatutungkulang personalidad o grupo ang nagpapatuloy na imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero, ayon sa Department of Justice (DOJ) nitong Sabado, Hulyo 12.

“Wala kaming tinutumbok. Kung ano man ang kahihinatnan ng investigation at kung sino man ‘yong natutukoy na siya ang may kinalaman dyan, sila ang dapat managot,” pahayag ni Justice Undersecretary Raul Vasquez sa news forum sa Quezon City.

“It’s not personality-driven. There is nothing personal about it. It’s more on trabaho lang ito. At ang hinahabol natin ay ‘yong ebidensya.”

Ani Vasquez, kasalukuyang kumukolekta ng mga ebidensya ang mga imbestigador na may kinalaman sa kaso.

“We are on the collation stage of these pieces of evidence, and we are in the process now of trying to strengthen the case or cases that may be filed,” anang opisyal.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang masusing imbestigasyon sa kaso at panagutin ang mga taong nasa likod ng umano’y pagdukot at pagpatay sa mga biktima.

Ani Palace Press Officer Claire Castro, umaasa ang pamahalaan ng patas na imbestigasyon kahit na may mga sangkot pang maimpluwensyang mga personalidad sa kaso. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here