Manila, Philippines- Friends will always be friends.
Ito mismo ang pinatunayan ng nagkatampuhang magkaibigan na sina Vice Ganda at MC Muah Calaquian.
Matatandaang nag-ugat ang isyu sa kanila sa isang open forum habang nasa bakasyon ang Unkaboggable Star kasama ang mga kaibigang standup comedian sa Coron, Palawan.
Wari’y kinastigo ni Vice Ganda ang kawalan ng pakikisama ni MC na lagi raw pinaghihintay ang grupo.
Hindi napigilan ni Meme na isiwalat kung gaano siya nabuwisit kay MC.
Dahil dito’y hindi na sinipot ni MC ang pagko-co-host ng It’s Showtime.
Wari’y nakisimpatya rin kay MC ang kasamang si Lassy Marquez.
Maging sa Vice Comedy Club na pag-aari ng TV host ay hindi na nagpakita sina MC at Lassy na kapwa mga performers doon.
But their happier days are back!
Nitong July 11 ay nag-post ang dalawang performers ng Vice Comedy Club ng mga larawan kasama si Vice Ganda at sina MC at Lassy.
Unang nag-post si Lady Morgana at nilakipan ng Visayan caption.
Sinundan ito ng photo na ipinost ni Tammy Brown.
Both captions spoke about how full of love and happiness ang buong paligid ngayong nagkaayos na sina Meme at MC.