Home NATIONWIDE Imee Marcos: Tinanggal na pulis sa security detail ni VP Sara ibalik

Imee Marcos: Tinanggal na pulis sa security detail ni VP Sara ibalik

159
0

MANILA, Philippines- Kinondena ni Senator Imee Marcos ang pagtanggal sa 75 police security detail ni ni Vice President Sara Duterte, at iginiit na ibalik ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Sa pahayag na naka-post sa kanyang social media account nitong Martes, ipinaliwanag ng senador kung bakit dapat ibalik ang security detail ni Duterte.

“First, she is the second highest elected official in the country whose safety must never be compromised. Second, she is a Duterte, who, like her father, is a staunch defender of law and order, hence topping the Communist Party of the Philippines-New People’s Army’s order of battle,” pahayag ni Marcos.

Binatikos din ng senador si Philippine National Police (PNP) chief Rommel Marbil, na nag-utos na ilipat ang 75 police officers mula sa personal protection detail ni Duterte sa ibang assignments, partikular sa Metro Manila.

“At sino naman ‘yang Rommel Marbil? Ni hindi ko nga ‘yan kilala,” wika ni Marcos.

Nauna nang inilarawan ni Duterte ang pagtanggal sa kanyang security detail bilang isang “clear case of political harassment.”

Matatandaang nag-post ang ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa ng apat na pahinang liham sa kanyang Facebook page kung saan kinondena niya si Marbil dahil sa umano’y pagsisinungaling hinggil sa pagbawi sa kanyang police protection detail.

Nanindigan naman si Marbil na binawasan ang security team ni Marbil dahil walang naobserbahang banta laban sa kanya.

Subalit, hindi ito ikinatuwa ni Duterte, na tinanong ang PNP chief kung ano ang pakahulugan nito sa banta.

“Ano ba ang ibig sabihin ng ‘threat’ sa iyo? Ang banta ba ay maaari lamang magmula sa mga external elements? Hindi na ba ‘threat’ kung ang harassment ay nanggagaling mismo sa mga tauhan ng gobyerno?” tanong ni Duterte.

“Tandaan mo, pagdating sa seguridad ng aking pamilya, ako ang magsasabi kung sino ang karapat-dapat, hindi ikaw. Batas ka lang, hindi ka Diyos,” patuloy niya. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here