Home NATIONWIDE P87M lotto jackpots mailap

P87M lotto jackpots mailap

MANILA, Philippines – Walang lotto bettor ang nanalo at nakahula sa winning combination sa mga major lotto games nitong Martes, Hulyo 30.

Hindi napanalunan ang Ultra Lotto 6/58 jackpot na P60,040,125.40. Lumabas ang  39-31-52-56-42-01 na winning combinations.

Samantala, wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49 na may P16,423,789.20 na jackpot kung saan lumabas ang 20-35-24-09-19-28 winning digits.

Para naman sa Lotto 6/42, wala ring nakahula ng 33-38-03-34-05-42 na winning digits para maiuwi ang P11,274,120.80 na jackpot.

Samantala, nauwi naman ng isang 6D Lotto bettor ag P1.1 milyon na jackpot kung saan nahulaan ang 6-5-8-8-1-2  na winning digits. RNT