Home NATIONWIDE Imelda Marcos makalalabas na ng ospital bukas – Imee

Imelda Marcos makalalabas na ng ospital bukas – Imee

MANILA, Philippines – Inaasahang lalabas na ng ospital si dating first lady Imelda Marcos bukas, Marso 12, sinabi ni Senador Imee Marcos.

“Mabuti naman at inaasahan namin na makalabas bukas kasi wala ng lagnat,” sinabi ni Imee sa panayam ng DZBB.

Bagama’t wala nang lagnat ay may pneumonia pa rin umano ang kanyang ina.

“Kaya lang may pneumonia pa rin…wala ng lagnat kaya okay naman,” dagdag pa ng senador.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Marcos na dinala sa ospital ang dating First Lady dahil sa hinihinalang pneumonia.

Kalaunan ay sinabi naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumubuti na ang lagay ng kanyang ina.

“I visited her last night after arriving from Melbourne and she was awake, alert, and even up at midnight,” ani Marcos nang makarating mula Australia.

Sumailalim sa angioplasty procedure si Imelda noong nakaraang taon. RNT/JGC

Previous articlePulso ng Pilipino survey: ‘Magic 12’ sa 2025 Senate race inilaylay
Next articleIka-160 Malasakit Center binuksan sa Davao Occidental