Home HOME BANNER STORY Pulso ng Pilipino survey: ‘Magic 12’ sa 2025 Senate race inilaylay

Pulso ng Pilipino survey: ‘Magic 12’ sa 2025 Senate race inilaylay

MANILA, Philippines – KUNG gaganapin ngayon ang senatorial elections, si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mangunguna sa karera kung siya ay kandidato, ayon sa pinakahuling survey.

Naigpawan ni Duterte na may 63% ang broadcaster na si Erwin Tulfo na ngayon ay tabla sa pangalawa at pangatlong puwesto kay Sen. Christopher Lawrence Go ‘Bong Go’ na may kaparehong 50% sa pinakabagong Pulso ng Pilipino tracking poll na isinagawa noong Peb. 21 hanggang 27, 2024.

May kabuuang 1,200 respondents na mga rehistradong botante ang tinanong: “Kung gagawin ang halalan sa Mayo 12, 2025 ngayon, sino sa mga nasa listahan ng mga kandidato sa pagkasenador ang iyong iboboto.

Nagbigay ng showcard na may mga pangalan ng mga kandidato para suriin at pagpilian ng mga respondent.

Sa kabila ng kanyang pagkawala sa tungkulin mula noong Hunyo 30, 2022 at ilang “nakagugulantang” na pahayag sa publiko, nananatiling popular si Duterte sa lahat ng apat na super region.

Nagposte ang dating strongman ng 53% sa NCR, 63% sa Luzon, 66% sa Visayas at gaya ng inaasahan 69% sa Mindanao.
Ang broadcaster na si Erwin Tulfo na dating nangunguna sa pre-poll survey para sa 2025 senatorial elections ay tabla ngayon kay Sen. Christopher Lawrence ‘Go Bong Go’ na may tig-50%.

Si Tulfo ay may 61% laban sa 47% ni Go Bong Go sa Luzon ngunit ang neophyte senator na higit na kilala bilang principal patron ng Malasakit Center ay lumamang kay Tulfo sa Visayas region, 53% kontra 45%. Tulad ng inaasahan nakakuha si Go ng malaking lamang sa Mindanao na may 64% laban sa 37% ni Tulfo.

Ang Malasakit Center na nagpapatakbo ng satellite office sa mga pangunahing lungsod at bayan sa buong bansa ay nagbibigay ng suportang pinansyal sa mga mahihirap na nangangailangan ng tulong medikal.

Nagsalo naman sa ikaapat hanggang ikaanim na posisyon sina dating Senate President at Eat Bulaga mainstay Vicente ‘TitoSen’ Sotto III na may 49%, kapareho ng ipinoste nina Sen. Maria Josefa ‘Imee’ Marcos at dating Sen. Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao.

Si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa ay nasa solong ikapitong posisyon na may 43% at malapit na nakasunod sa kanya sina dating Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at Sen. Francis ‘Tol’ Tolentino na nagtabla sa 41% para sa ikawalo hanggang siyam na puwesto.

Si Tolentino, host ng isang oras na public affairs radio program sa DWIZ na “Usapang Tol” mula Lunes hanggang Biyernes ay pinarangalan sa kanyang malakas na suporta sa muling pagbabalik ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) at sa paglulunsad ng First ROTC Games sa buong bansa.

Siya rin ang kasalukuyang presidente ng Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) at isinusulong ang pagsasama ng kickboxing sa Asian Games at sa Olympics.

Itinutulak din ni Tolentino ma maisama ang Baseball at Softball sa sports curriculum ng mga pampublikong paaralan simula elementarya.

Dalawang incumbent – ​​sina Senators Pilar Juliana ‘Pia’ Cayetano at Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang swak naman sa ika-10 at 11 puwesto. Ang isa pang incumbent, si Sen. Manuelito ‘Lito’ Lapid ay nasa solong ika-12 na posisyon na may 38%. RNT

Previous articleBio pic ni April Boy, ikinakasa na!
Next articleImelda Marcos makalalabas na ng ospital bukas – Imee