Manila, Philippines – Hindi pa man naipalalabas ang biopic ni Victor Wood ay inihahanda na ang pelikula hango sa buhay ng namayapa ring si April Boy Regino.
Matatandaang pumanaw ang binansagang Jukebox King noong 2020.
Kung tutuusin, the same title may be applied to Victor Wood who was born ahead of April Boy.
Balitang ikinakasa na ang auditions para sa biopic ng iconic singer na umawit din ng ilang theme songs ng mga pelikula’t teleserye.
“Wanted” ang mga hopeful na edad 20, 30 at 50.
Bale ang intersadong producer ng still-untitled April Boy movie ay dati ring namuhunan sa film production.
Siya ang nagprodyus ng Huwag Dyan, May Kiliti Ako Dyan tampok ang Baywalk Bodies.
Sumubok din ss pulitika ang lady producer nito.
Now that she’s already out of politics ay determinado na siyang ituloy ang biopic ni April Boy.
Pero required munang makipag-usap ito sa Viva Records para sa rights ng mga pinasikat na awitin ng yumaong singer.
Proof na long overdue na ang film project na ito ay ang tagal nang nakatenggang kuwentong isinulat ng character actor na si Efren Reyes Jr.
“Thog” project ito para kay Efren na siya ring pinagkatiwalaang magdirek ng pelikula.
Magugunitang kahit nabulag na’y mabenta pa rin si April Boy sa mga campaign sorties noon ni dating Pangulong Duterte. Ronnie Carrasco III