Home METRO Nene patay nang malunod sa pool

Nene patay nang malunod sa pool

MANILA, Philippines – Isang batang babae na 8-taong gulang ang nalunod sa isang swimming pool na may limang talampakan ang lalim sa Brgy. Ligas, Bacoor City, Cavite

Batay sa report, naisugod pa sa Molino Doctors Hospital ang biktimang si ‘Zsazsa’, estudyante ng Brgy Medicion 2-A, Imus City, Cavite subalit patay na ito ng idating sa pagamutan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-3:30 ng hapon nang ginanap ang isang family gathering sa Kalugdan Garden Resort ng nasabing lugar.

Masayang nagkakainan sa paliligo sa swimming pool ang naturang pamilya nang napansin na lamang ng isang staff ng resort na nalulunod ang biktima.

Napag-alaman na mabilis na iniahon ang bata at sinubukang i-revive saka isinugod sa ospital subalit binawian na rin ng buhay. Margie Bautista

Previous articleHalos 5K gun-related incidents naitala noong 2023
Next articleBio pic ni April Boy, ikinakasa na!