Home HOME BANNER STORY Impeachment ‘di napag-usapan sa fellowship kasama si PBBM – solon

Impeachment ‘di napag-usapan sa fellowship kasama si PBBM – solon

184
0

MANILA, Philippines – Hindi pinag-usapan ang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte sa pagkikita-kita ng mga mambabatas ng Kamara at ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon kay House good government and public accountability chairperson Joel Chua.

“Ay wala po. Wala pong napagusapang impeachment. Nagpunta lang po dun kasama ‘yung ibang congressman ata party leaders, binigay lang sa Presidente yung resolusyon na ipasa ng House expressing full support to the President,” sinabi ni Chua sa panayam ng GMA News.

“Pagkatapos po nung nagsalita po ang Pangulo, nagpasalamat sa mga miyembro at in-encourage na magtrabaho lang. Yun lang po. Tapos po ay nagkaroon ng konting picture taking, nagkaroon ng dinner,” dagdag pa niya.

Ani Chua, mahigit 200 miyembro ng Kamara ang dumalo sa naturang “fellowship” na natapos bandang alas-8 ng gabi nitong Miyerkules, Disyembre 4.

Nitong Huwebes, naglabas ng manifesto ang mga miyembro ng Kamara na naninindigan ng suporta kay Marcos “at all costs.”

Kamakailan ay sinabi ni Marcos na hindi niya suportado ang anumang impeachment plan laban kay Duterte. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here