Home HOME BANNER STORY Impeachment hearing, inisnab ni VP Sara: Dapat ibasura

Impeachment hearing, inisnab ni VP Sara: Dapat ibasura

169
0

MANILA, Philippines — Hindi dumalo si Vice President Sara Duterte sa unang pagdinig ng House Committee on Justice hinggil sa mga impeachment complaint laban sa kanya, at iginiit na dapat na itong ibasura dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Duterte na walang patakaran na nag-oobliga sa respondent na personal na dumalo sa mga pagdinig, at tinawag ang proseso bilang “third fishing expedition” laban sa kanya.

“Ang imbitasyon na dumalo sa pagdinig ng Committee on Justice ay tila ginagamit upang makabuo ng isang media narrative na magkakaroon ng ‘mini-trial,’ batay sa umano’y hindi ko pagsagot at hindi pagdalo,” aniya.

“Malinaw na walang patakaran na nagsasabing kailangang personal na dumalo ang respondent sa impeachment complaint sa mga pagdinig ng Committee on Justice,” dagdag niya.

Sinabi rin ng Bise Presidente na mas pinili niyang ilaan ang oras sa pagtulong sa mga apektado ng pagtaas ng presyo ng langis.

“Naisumite ko na ang aking Answer ad Cautelam. Sa ngayon, wala nang dapat pang gawin ang Komite kundi ibasura ang mga reklamo dahil sa malinaw na kakulangan ng ebidensya,” aniya.

Sinimulan ng House panel ang pagdinig matapos mapatunayang sapat sa porma, substansya, at batayan ang mga reklamo, na nag-aakusa kay Duterte ng betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution, kabilang ang umano’y maling paggamit ng P612.5 milyong confidential funds at pagbabanta sa Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang pamilya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here