Home NATIONWIDE Impeachment trial ni VP Sara dapat simulan na ng Senado – ex-IBP...

Impeachment trial ni VP Sara dapat simulan na ng Senado – ex-IBP president

MANILA, Philippines – Dapat nang magsimula ang Senado sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ayon kay dating Integrated Bar of the Philippines national president Atty. Domingo Cayosa nitong Lunes, Pebrero 17.

“Hindi naman kinakailangan matapos, but at least simulan na kasi mayroon pa silang three to four months… Malinaw ‘yung lengguwahe ng ating Konstitusyon, forthwith mag start ‘yung trial kapag natanggap nila, so ibig sabihin niyan walang delay,” sinabi ni Cayosa.

Saad sa Section 3(4), Article XI ng 1987 Constitution na, “In case the verified complaint or resolution of impeachment is filed by at least one-third of all the Members of the House, the same shall constitute the Articles of Impeachment, and trial by the Senate shall forthwith proceed.”

“Ang ginagamit nila ay legal doubts or issues, when in fact, mukhang ang matinding rason nila ay kailangan nung mga reelectionist mangampanya. ‘Yung iba naman takot sa backlash ng mga block voters,” dagdag pa ni Cayosa.

Naniniwala ang dating IBP president na maaaring magkaroon ng political instability kapag mas pinatagal pa ang pagsisimula ng trial.

Matatandaan na noong Pebrero 5 ay inimpeach ng Kamara si Duterte sa 215 mambabatas na nag-endorso ng reklamo.

Ang Articles of Impeachment ay agad na ipinadala sa Senado sa kaparehong araw.

Sa kabila nito, sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na maaari lamang mag-convene ang Senado bilang isang impeachment court kapag nasa sesyon ang Kongreso, o sa pagbubukas ng 20th Congress sa Hulyo. RNT/JGC