Home NATIONWIDE Impluwensya ng Chinese syndicates sa hudikatura, iimbestigahan ng SC

Impluwensya ng Chinese syndicates sa hudikatura, iimbestigahan ng SC

MANILA, Philippines – Kumilos na ang Supreme Court (SC) para alamin ang katotohanan sa mga alegasyon na naimpluwensyahan na ng mga taong nasa likod ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ang sistema ng korte ng bansa.

Sinabi ni SC spokesperson Atty. Camille Ting na ipaiimbistiga agad ng SC En Banc ang sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na ang naganap na raid sa isang POGO hub sa Porac, Pampanga ay patunay na maaring may impluwensya ang mga Chinese syndicates sa hudikatura.

Hinala ni Gatchalian hindi lamang sa law enforcement agency may mga tao ang mga sindikato kungdi maging sa hudikatura.

Mapapansin aniya na may mga warrant of arrest na inilalabas halos lahat ay galing sa korte sa Bulacan.

Batid na ng mga sindikato na banagsak muli sa Bulacan courts ang mga kaso kung kaya nagkaroon na sila ng mga mata at tenga  sa korte at nalaman na nila.

Ang pagsalakay sa naturang POGO hub sa Pampanga ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ay bunsod ng mga ulat ng iligal na aktibidad gaya ng pag-scam, torture, kidnapping at sex trafficking. Teresa Tavares