MANILA, Philippines- Taliwas sa sinabi ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) nitong Lunes, naglabas ang health insurance provider ng abiso na nakompromiso ang impormasyon ng ilang miyembro nito matapos ang cyberattack kamakailan.
Sinabi ng PhilHealth na kabilang sa mga detalyeng ito ang pangalan, address, phone numbers, kasarian, petsa ng kapanganakan, at PhilHealth Identification Numbers ng mga miyembro.
“The number of data subjects or records involved is still undermined, but we’re working relentlessly to gather all relevant information,” ayon sa PhilHealth.
Naunang sinabi ng PhilHealth na ligtas ang datos ng mga miyembro nito mula sa cyberattacks. RNT/SA