MANILA, Philippines- Hindi nawawala ang pag-asa na makukuha ang hustisya para sa pinaslang na radio broadcaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa “sooner than later.”
Isang taon na ang nakalilipas nang pagbabarilin si Lapid habang pauwi sa kanyang tahanan sa Las Piñas.
Subalit, umaasa pa rin si Senator Risa Hontiveros na maihaharap sa korte ang mga itinuturong nasa likod ng pagpatay kay Lapid, kabilang si dating Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag.
“I believe that, sooner rather than later, justice for Ka Percy’s death will be achieved,” pahayag ni Hontiveros sa isang forum sa Quezon City nitong Martes.
Ayon sa kanya, pinagbayaran ni Lapid ang “ultimate price for speaking truth to power.”
“For Percy Lapid, the truth was always worth telling — no matter how difficult, unpopular, or deadly it is to do so,” pahayag ng senadror.
Subalitm hindi natapos kay Lapid ang pagpatay sa mga Pilipinong mamamahayag.
Humaba lamang umano ang listahan, ayon kay Hontiveros.
Binanggit niya ang kaso ng isa pang broadcaster, si Cresenciano Bunduquin, na pinatay sa Oriental Mindoro noong nakaraang Hunyo.
“While we continue to clamor for the successful investigation and prosecution of media killings, we should also work on fostering an environment that guarantees journalists not only safety from physical violence but also legal harassment,” anang senador.
Nangako naman si Hontiveros na patuloy na isusulong ang panukala na naglalayong i-decriminalize ang libel sa Pilipinas.
“Friends, we owe it to Ka Percy and to every single journalist slain in the line of duty to continue to seek and speak the truth and to continue the fight for genuine freedom of the press and expression so essential to our democracy,” giit niya.
“No ifs and no buts,” pagbibigay-diin pa ni Hontiveros.
Nakapagsampa na ng kaso laban kay Bantag at iba pang itinuturo sa pagpatay kina Lapid at Bilibid inmate na si Cristito “Jun Villamor” Palaña. RNT/SA