Home METRO 9 public market stalls nasunog; pinsala umabot sa halos P4M

9 public market stalls nasunog; pinsala umabot sa halos P4M

BACOLOD CITY- Nagliyab ang siyam na stall sa Central Maao Market sa Barangay Don Jorge L. Araneta, Bago City, Negros Occidental nitong Biyernes.

Inihayag ni Senior Fire Officer 1 (SFO1) Rustan Sayson, supervisor ng Maao Fire Sub-Station, na pitong stall ang naabo habang dalawa ang bahagyang napinsala.

Kabilang dito ang sari-sari stores at maliliit na cafes, base kay Sayson.

Anang opisyal, nakatanggap sila ng fire call dakong alas-6:56 ng gabi. Nagtamo naman ang isang fire volunteer ng minor injuries, dagdag niya.

Tinataya namang aabot sa P3.8 milyon ang pinsala sa insidente.

Hindi pa rin natuukoy ang sanhi ng sunog subalit sinisilip ng arson investigators ang posibleng electrical problem.

Tuluyang naapula ang apoy pagsapit ng alas-8:30 ng gabi. RNT/SA