MANILA, Philippines- Pahaharapin ng House Committee on Dangerous Drugs sa pagpapatuloy ng kanilang imbestigasyon sa P3 bilyong halaga ng nakumpiskang shabu sa Pampanga ang dating presidential economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo Dutertenl na si Michael Yang.
Ayon kay House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, lumalabas sa imbestigasyon na ang Empire 999, ang kompanyang may-ari ng warehouse kung saan itinago ang nakumpiskang droga ay pagma-may-ari ng mga Chinese national.
Isa na rito si Lincoln Ong, na nagsilbing interpreter ni Michael Yang sa mga imbestigasyon ng Pharmally scandal.
Lumabas sa pinakahuling pagdinig nitong Mayo 8 na isa si Ong sa incorporator ng mga kompanyang may kaugnayan sa Empire 999.
Sa presentasyon ni Public Accounts Chairman Joseph “Caraps” Paduano, lumalabas na may kaugnayan si Michael Yang kay Lincol Ong.
Upang malinawan ang kaugnayan ng dalawa, nag-mosyon si Public Order Chairman Dan Fernandez na padaluhin si Yang sa susunod na pagdinig.
Matatandaan na nasungkit ng Pharmally ang bilyong pisong halaga ng kontrata ng PS DBM, na noon ay pinamumunuan ni Christopher Lao, para sa pagbili ng medical supply noong panahon ng pandemiya.
Sa kabila ng kawalan ng kakayanang pinansyal, sinabi ni Lincoln Ong na nabili ang mga suplay dahil binayaran ito ni Michael Yang.
Nito lamang nakaraang linggo ay kinasuhan ng Ombudsman ang isa pang mataas na opisyal ng Pharmally at malapit na kaibigan ni Michael Yang kaugnay sa kaso sa Pharmally.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Kamara na karamihan sa incorporators ng mga kompanya ay mga Chinese national na nakakuha ng pekeng dokumento upang palabasin na sila ay Pilipino.
Kaya mula sa usapin ng droga ay naungkat na rin ang banta sa pambansang seguridad dahil nakabibili ng mga ari-arian ang mga indibidwal na ito gamit ang pekeng mga dokumento.
“This matter has now gone from a simple illegal drug smuggling to a national security concern. We need to establish the link between these companies and Michael Yang, the financier of Pharmally. It is not as simple as it seems. These personalities and their interests are so intertwined and intricately woven in an elaborate multi layered company structure that resembles a maze deliberately designed to avoid detection and ultimate liability in case the scheme is discovered,” paliwanag ni Barbers.
“The activities of the other companies have not been unearthed yet but the incorporators have gone into hiding already and have started disposing their assets. There is more than meets the eye. We intend to get to the bottom of this issue in order to find out if indeed the drug bust is just the tip of the iceberg,” dagdag pa nito.
Sinabi ni Barbers na iikot din ang kanilang susunod na imbestigasyon ang pagbili ng mga lupa ng mga Chinese na nagpapakilalang Pilipino gamit ang pekeng mga dokumento.
“Using fictitious documents and corporations, they went on buying sprees and allegedly bought hundreds and possibly thousands of hectares of agricultural and residential lands in Northern Luzon and started building warehouses. These very suspicious activities have stopped as soon as we started the investigations. So now, they again resorted in hiding these assets by “selling” them to other Chinese nationals. We promise that we will leave no stone unturned in getting to the bottom truth of this mess these Chinese nationals created here in our country,” paglalahad pa ni Barbers. Kris Jose